Wednesday, 13 July 2011

DEAR KUYA PINOY... isang liham mula sa Middle East

Recently I received an email na humihingi ng prayer regarding their situation and conditions in saudi arabia and mas mabuti na itago natin ang kanyang pangalan at ilang bagay para hindi naman magkaroon ng aberya sa mga buhay ng kapwa natin Pilipino sa Gitnang Silangan and here is the email saying,
 
Mga minamahal kong mga kapatid,

Grace and peace be to you from Our Lord Jesus and our Heavenly Father.
Mga kapatid, dito po sa saudi arabia, may ipinapatupad ang gobyerno na those 6 years ng nagtatrabaho dito ay hindi na pina pa renew ang mga working permit o tinatawag nilang residence permit and those of 10 years and above ay pinapauwi na as exit visa, at ito ay mahigpit ng ipanapatupad, maging dito sa hospital na aking pinapasukan (name withheld)  at maging ang mga  hindi pa umaabot ng ganiyang taon ay may pinapauwi na. By surprise, may mga nangyayari ditong kakaiba. Kami po ay humihingi ng tulong nyo sa pananalangin. ang mga private company ay may mga color code ang mga residence permit  at hanggan kailan pa sila magtatrabaho dito, at napakarami po ngayong pilipino na  pending ang renewal ng kanilang working permit at dahil dito marami ang nababahala.
 
Marami pong salamat,
 
SHALOM,
Lelay
 



 
At ito naman po ang aking pinaparating sa kanya: (sana nga makarating...)
 
Dear Lelay,
Salamat sa iyong sulat and I will pray for wisdom be upon you and hindi siguro masama na magbigay rin ako ng ilang comment regarding sa situation nyo diyan.  Marami kayong maririnig at malalamang mga bagay patungkol sa karanasan nyo diyan at kung paano nyo haharapin ang inyong kalagayan at sa huli nasa inyo pa rin ang desisyon dahil kayo ang may hawak ng inyo-inyong mga katawan.  Hangad lang namin na walang masamang mangyari kung ano mang desisyon ang inyong gawin at wag na po sanang sisihin ang ating gobyerno in case na dumating sa punto na hindi naging maganda ang mangyari.  
 
Here's my point for you to observe:   
1st we should be follow their rules para makaiwas sa kapahamakan
 
2nd since I've been in Saudi - nagsa- Saudization na sila, so they want their own people to do the job - the question is, are they competetive enough for the labor force? like the news in UAE kailan lamang ay marami na silang papauwiing expatriates.  Parang ganito yan e: pamilya mo at katulong mo example kailangan mo ng magtipid syempre uunahin mo na tanggalin ang iyong katulong kesa palayasin mo ang kaanak mo di ba?
 
3rd kung pinapauwi na kayo, umuwi na kayo mas masarap ang tahimik na buhay kesa nababahala at nagtatago sa mga pangyayaring hindi nyo nasasaklawan... thinking na dayuhan kayo sa bansa nila... e ano ba ang problema? eto aking opinyon lang ha at wala sanang masaktan:  ang problema ba ay marami kang kautangan at kailangan mo pang magtrabaho para may ipambayad sa lupang isinangla o perang nautang sa tao o kaya naman kumuha ka ng hulugang sasakyan thinking na meron kang patuloy na trabaho diyan sa saudi? 
 
Oo mahirap sa Pilipinas pero don't take your risk... Iba pa rin ang nasa sarili mong bansa kaysa patuloy kang nagtatago at natatakot na mahuli na in the end e lalo mo pang pagsisihan.  Alam nyo ba na maraming nakakulong na Pilipino na hindi alam ng kanilang pamilya?  Mahirap makipag sapalaran sa bansang dayuhan lalo't hindi ka marunong ng kanilang dialect.  Tama ba?  Mag-isip tayo ng maraming beses at wag padalos-dalos ng ating desisyon kasi kailangan natin ng pera... oo nga't kailangan nating maghanap buhay pero wag naman to the point na kapit na sa patalim...
 
Siguro ipag-pray din natin ang bansa natin na maging ok na ang economy at para pati tayong mga OFW ay matulungan nila hindi na lang palagi na maghanap ng work sa abroad dahil alam natin sa bansa natin mas gusto nilang kunin ang bata at walang experience tulad natin na batikan na sa abroad...
 
O siguro naman kahit papaano ay nagkaroon ng linaw sa 'yo ang aking advice (sana naman di ka lalong nagulo).  Tingnan naman natin ang mga comments and suggestions ng ating mambabasa.  So sige po we can suggest and write Lelay through this column.
 
 
Pinoy Ako

No comments:

Post a Comment