Friday 5 August 2011

ANG PUERTO

Dito sa Puerto kay daming barko
Nakakatuwang pagmasdan kung ika’y bago lamang
Ibat-ibang laki at ibat-ibang kulay
Sa dagat ay kay gandang pagmasdan

Ba’t ba ako lamang ang tanging nagagandahan
O dahil pagod lamang ang mga tauhan
Sa maghapong pagtatrabaho sa bagong proyekto
Kaya’t sandali lamang, kami dito sa Puerto

Sa aking paglalakad maraming taong nasilayan
Dito sa Aberdeen sentro ito ng komersyo
Ngunit aking napansin pagkakaiba sa Edinburgh
Dito ay kulimlim at madaling dumilim

Sa Edinburgh na mas maganda at historical pa
Laging may araw, lugar ay kay inam
Ngunit ang puerto rito tambayan ng barkong walang trabaho
Kaya’t ang makikita mo, lugar ay parang abandonado

No comments:

Post a Comment