a collection of news, photos, articles, poems, opinion and comments that gives an impact to OFW's and those to be's that will be called them 'Bayani (sa ibang bayan)'. Comments and suggestions are welcome...
Wednesday, 2 November 2011
Wala akong pakialam, I’m just a concerned citizen...
Kwentong Eye in the Ship
Ano naman ang mapapala ko? Ang mahalaga naipaalam ko sa inyo ang mabuti at dapat gawin... Oo buhay nyo yan at gusto nyong mag take ng risk e... kung nakalusot kayo, swerte nyo at pag nahuli kayo malas nyo lang, wag na lang kayong mansisi ng ibang tao, agency o gobyerno dahil alam nyo naman ang tama at mali, ang legal at hindi legal!
Bakit nga ba lagi na lang nasa huli ang pagsisisi? Bakit nga ba mayroon pang taong gustong iparating ang mga balitang magbibigay sa atin ng tamang daan? at bakit meron pa rin taong gustong gustong abutin ang mga pangarap kahit hindi naman tama? At bakit meron pa ring mga ahensya o grupong sa hangad lang ay kumita ng pera ay magdadala kay Juan dela Cruz sa ibang bansa na hindi tamang proseso? O sadya bang ang kahirapan ang syang nagdudulot upang kumapit tayo sa patalim?
Totoo po na isa sa pinaka magandang lugar sa mundo sa parte ng Europa, ang United Kingdom (countries including England, Northern Ireland, Scotland and Wales) ay masasabi nating isa sa mga ‘dreams’ ng pinoy na gustong marating. At sino ba ang hindi gustong marating ito? Mapalad din ako na makarating dito kahit wala sa pangarap ko! at ang nakakatuwa pa ay ‘I’m beginning to love this country’ (lol) malinis, maganda ang paligid, mataas ang pagtanaw sa ‘human rights’, mapag-alaga sa likas na yaman, sa dagat, sa bundok sa mga hayop at sa kanyang kapaligiran. Dito mo makikita sa totoong buhay ang mga naglalakihang Palasyo (historic Edinburgh Castle), mga malilinis at naggagandahang parks, mga monuments, mga landmarks mga orihinal na ‘botiques’ mga super duper na discount on sale items (ang aking weakness) hays sarap mag shopping (sige lang kaskas ng kaskas), at higit pa don ang one pound (£1) is equal to Seventy Pesos (P 70) Wow kung kumikita ka ng £3,000 ay mayroon kang P210,000.00 aysus kaya naman pala sarap pumunta ng UK (lol)... teka muna bakit ba iyong ang pinapaabot ko hahaha lalo lang matatakam kayong pumunta dito hehe at masarap pati dito ung climate, malamig kahit summer hehe at pag summer alas-tres ng umaga e maliwanag na at magtatagal ito hanggang alas-onse ng gabi! Swak ito sa mga binatang katulad ko (wink*) sarap maglakad at maggala sa kung saan saan (lol)... un nga lang napupuyat ang mga manok haba ng umaga...
Teka nga muna balik tayo sa pinupunto ko mga kababayan hehehe ayun nga po alam nyo bang naghihigpit na ang UKBA (United Kingdom Border Agency) at kanilang immigration sa mga nagnanais na makapunta dito? Opo at ibibigay ko sa inyo ang ilan sa mga balitang aking nakalap, hindi po ito tsismis, napag-uusapan lang, walang labis walang kulang, ano ba napapakanta tuloy ako...
Sa aking palagay, eto pakiramdam ko lang ha! Ayaw ng mga Briton ng maraming tao at maingay (kaya siguro walang divisoria dito! At bawal ang SM joke!) o ayaw din nilang magkaroon ng smokey mountain o kaya mga squatter sa Manila at India (lol) sa totoo lang ayaw talaga nila non... like what happen recently ung eviction sa illegal travellers of Dale Farms... (http://www.mirror.co.uk/news/top-stories/2011/10/26/dale-farm-eviction-delayed-yet-again-by-bats-115875-23514859/) yan basahin nyo ang buod ng istorya... o kaya i-google nyo na lang at marami kayong makikita don... napapagod na kong mag cut & paste (lol). Katuwa pa sa balitang iyan na delay because of wildlife, o dib a sabi ko sa inyo, they are protecting wildlife and animals... kakaiba talaga ang UK! Pati bats and newts they care for all of them... see site of Keeping exotic pets at http://www.keepingexoticpets.co.uk/caring-for-newts.html mama mia! they care for all of these insects and animals! No wonder kung bakit ang ganda ganda ng kapaligiran nila, kung bakit blessed sila sa magandang mountains, rivers, seas, etc. etc. kasi they are a good stewards of God given creation... wala akong masasabi... kinukulong nila ang pumapatay ng ibon or those cruel to animals... kaya ung pumapatay ng aso at bumibili ng aso ewan ko lang sa inyo kung saan kayo pupulutin!
E bat ba napunta tayo sa mga wildlife? Ah kasi parte sila ng delay of Squatters eviction ahihi... At alam nyo ayaw nila ng maraming anak! Sa atin nagkalat! We love children and lots of children (lol)... Konti na nga lang sila dito pero may nag aabandon pa ng mga child, parang gusto kong mag-inquire at mag adopt, imported na bata (lol)... eto puntahan nyo ang website nila http://www.giveachildahome.co.uk/ inquire kayo hehe... ayaw nilang maraming tao sa bansa nila kaya meron sila nito NO to 70 million visit the site at http://epetitions.direct.gov.uk/petitions/19658 e tayo tuwang tuwa pa at napapa dyaryo ang recent happening ng 70th billion child from Philippines yahoo meron pang regalo ha at binisita pa ng UN katuwa naman talaga... o nabasa nyo ang petition ng mga katauhan dito? Ano sabi, “because of the strong public petition on immigration they are calling for the necessary steps in curbing immigrants, visas, etc. eto na naghihigpit na sila, kaya naman isa sa mga affected e ung mga gustong pumunta dito thru Study visa o eto puntahan nyo ang site -
http://www.bbc.co.uk/news/education-15544453 tighter rules were introduced on student visas, 762 banks from Philippines were banned and have been put on a Government black-list of financial institutions which cannot be trusted to verify documents supporting student visa applications
http://www.talktalk.co.uk/news/article/3-000-banks-on-visa-blacklist/25478/ ilan yan s mga pangyayari dito na aking nakakalap.
Totoo ayaw rin nilang mahatiian pa ng ibang mga tao with regards to their grants kasi pag british citizen kana may karapatan ka sa public finances (health, finance & benefits). Mga kababayan hirap na rin ang kanilang bansa, crisis din po sila... at eto ang mainit na balita: UK 'highly likely' to slip into recession, warns UBS http://uk.finance.yahoo.com/news/UK-highly-likely-slip-tele-4000980940.html?x=0
O ayan bahala na kayong umunawa ng mga nakalap ng inyong tsismosong kababayan dito sa UK hehe... actually trabaho ko kasi ang maglagay ng news and information sa TV mess hall ng barko, kaya ayan wala akong ginawa kundi maghalungkat ng balita lalo na pag affected tayong mga pinoy...
Un lang at magandang gabi sa inyong lahat! Hays natapos din ang blog na ito, 5:45 pm na dito at sobrang dilim na sa labas ng barko... taglamig na dito at ito na ang huli kong project sa UK waaaaaaaaaa... I love this country especially during summer (lol)... punta na ko next year sa South America... Brazil here I come...thank you Lord for the blessings...
Gandang umaga Pilipinas!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment