Mga bulaklak sa daan, kay gandang pagmasdan
Tulad ng isang dilag na namumukadkad
Ako'y iyong binihag, napahinto at nagmatyag
Ganda mo'y pumansin, sa aking pag jo-jogging
Dito sa tabing daan, kayo ay naggagandahan
Kahit walang nag-aalaga, kalikasan ang gumagawa
Ang iba'y di pumapansin, dahil ligaw kayo sa paningin
Ngunit para sa akin, maganda at nagniningning
Tulad din ng tao, buhay nyo'y may hangganan
At ang kaibahan lamang, problema nyo ay kay gaan
Hindi nyo alintana ang pagkain sa twina
'Di tulad namin, nakakandahirap hanapin
Kailangan naming manamit at maging ka-akit-akit
'Di tulad nyong kay rikit hindi kailangang manamit
Angkin nyong kagandahan ay natural na lamang
Ang sa tao'y kailangan, nagpa parlor pa minsan
At sa panahong magdadaan, kusa kayong lilisan
Unti unting natutuyo at magbabalik sa pinanggalingan
Ang tao rin ay gayon, ngunit sakit ng karamdaman
Paghihirap ang mararanasan bago kunin ng Maykapal
Natutuwa ako na makagawa ako ng tula habang nagda download ako ng picture nila sa FB ko and within 6 minutes ay natapos ko ito. Kagandahan lagi at positive thinking ang syang laging dapat nating isipin...
"For since the creation of the world, God's invisible qualities - his eternal power and divine nature - have been clearly seen, being understood from what has been made..so that men are without excuse..
ReplyDelete(Rom 1:20)
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete