Saturday, 29 October 2011

Ang buhay nga naman...


There comes a time sa buhay natin na dumadating ang saya, lungkot, ginhawa, hirap, sakit, tagumpay, katatawanan at kamatayan... sabi nga ni kuya Kim ang buhay ay “weather weather lang”. Pabago bago, nagpapalit, dumarating ang bagyo, tag-ulan, tag-init at tamang panahon... parang buhay lang di ba? Sa mga bagay na iyon, handa ba nating tanggapin? Hindi naman pwede na laging masaya at tagumpay... dumadating din ang mga bagyo at sakit o lungkot as spices of our lives. People are learned from that lesson at iyon ang nagiging daan para magtagumpay at magkaroon ng kagalakan...

Hello! Philippines – yan ang pambansang dyaryo ng Filipino dito sa UK which I recently knew to one of my Filipino colleagues here in Vessel Alliance, (one of the Technip Fleet here in North Sea and in coming days will be sold to Seamec). Hello-Philippines which contains news around the Globe kaya ang mga pinoy updated din sa Pinas when it comes to showbiz, kaya I sometimes surprised sa mga pinoy e... sabi ko nga, “mga tsimoso kayo talaga (lol)” pero hindi ko sila masisi maybe it’s one of their outlet, ang magbasa ng mga kaganapan sa favourite nilang artista. That’s Life ika nga! Iyon ang nagbibigay kasiyahan sa kanila so hindi dapat hadlangan...

Ang buhay talaga hindi pare-pareho kanya kanyang gusto, kanya kanyang bisyo, kanya kanyang plano... ibat-ibang hilig... kaya may kanya kanya ding pangyayari ang bawat isa, at kanya kanyang experiences, at dito sa Hello! Mababasa nyo ang ibat-ibang kaganapan... Sino nga ba ang dapat sisihin sa mga bagay bagay na nangyayari sa atin? Ikaw (Me,myself & I) sila (surroundings), mga tao (others) at mga namamahala (Government), Sino nga ba? Tulad na lang nito:

Another Pinoy 'drug mule' arrested in Hong Kong (http://hello-hilippines.com/term/world/another-pinoy-drug-mule-arrested-in-hong-kong.html) The Filipino, who had worked as an airport cab driver in the Philippines, was allegedly offered by a drug syndicate to go abroad to deliver goods.
Sarili – ginusto mo yan dahil may pangagailangan ka, para sa iyo at sa pamilya mo... at ano naman ang consequence?

Surroundings – lahat naman naghihirap at nakikita mo sa iba ang madaliang pagyaman... nakakita ka ng mga masasamang gawain na madaliang kita at hindi naman sila nahuhuli...

Others – kailangan ka nila pero may kapalit... Pera – kailangan mo! Kailangan nila! Kasi kikita sila pag nagawa mo ung pinapagawa nila... yon nga lang may kasamang risk at ikaw ang mapapahamak... sana lang tulungan ka nila...

Government – dahil ba sa walang mapapasukang trabaho? Dahil ba sa kawalan ng oportunidad sa sariling bayan? Hindi naman natin dapat sisihin ito sa gobyerno... lagi na lang pag may mga problema lalo na pag nasa ibang bansa... lagi na lang gobyerno... buhay nga naman!


Mapait na karanasan di ba? Ginusto natin and unfortunately nahuli ka! Akala nyo kasi ang kasamaan ay nagtatagumpay! Sorry ka! Ang Kabutihan pa rin ang syang mangingibabaw!


Pinoy feeds the Homeless in Austria (http://hello-philippines.com/articles/lifestyle-features/pinoy-feeds-the-homeless-in-austria.html)
Ito naman ang isang magandang kwento na masasabi nating ginusto nya dahil naranasan nya ang buhay na ‘yon at kasayahan nya na makapaglingkod sa kanyang kapwa dahil naging ganon din ang kanyang buhay at naging matagumpay sya at binabalik nya sa iba ang blessings na natanggap nya buhat sa itaas. Pananalig sa Diyos – isang gabay upang matunton natin ang tamang daan at kasayahan at kaligayahan ng buhay, bagay na masasabi nating tamang ginawa ng isang tao... mula sa kahirapan hanggang ang makamtan ang masaganang buhay... buhay na wala tayong masising tao... buhay na masasabi nating tagumpay at nakakatuwa na makarinig tayo ng mga ganong karanasan... kasama ang pagpupunyaging makaahon sa bagyo at hirap at tamang pagpaplano at pagtungo sa hinaharap... walang masamang hangarin tulad ng naunang balita... wag mong sabihing wala kang masamang hangarin sa pamilya mo? Nag connect nga e... masama ung hangarin mong magdala ng droga sa ibang bansa kaya pati ang pamilya mo napasama na rin...



Flood horror:Tributes to nurse who drowned in her basement (http://hello-philippines.com/term/europe/floods-horror-tributes-to-nurse-who-drowned-in-her-basement.html)
Ito naman ang isang pangyayaring nakakalungkot... hindi natin talaga alam kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundo... walang nakaka-alam kung paano at kailan ang nakatakdang araw na yon... bigla-bigla na lang dadating ang pangyayari... hindi natin alam ang bukas... Ang mahalaga mayroon tayong Diyos na titingin sa atin... may Hesus na nagmamahal sa atin na makakasama natin sa kabilang buhay... may eternal life (John 3:16)... may panibagong buhay na wala ng luha at mapapait na karanasan... nakahanda ka ba kaibigan?



Filipino visionaries honored in San Francisco (http://hello-philippines.com/term/u-s/filipino-visionaries-honored-in-san-francisco.html)
‘Make a Difference’ ito naman ang tema ng mga pinoy na nagpupunyagi upang mapaganda ang antas ng pamumuhay at makita ang angking talino at sipag ng mga pinoy... gawaing makapukaw ng kasayahan sa mga mambabasa... proud ka pag nakakabasa ka ng mga ganito di ba? Sabi nga ‘Tagumpay nila, tagumpay natin’ paano naman un, ‘Pagbagsak nila, pagbagsak din natin?’ siguro dapat, ‘Tagumpay nila, maipagmamalaki natin’ tulad na lang ni Manny Pacquiao, tagumpay sya at maipagmamalaki natin... hindi naman natin tagumpay yon e, siya lang ang kumita hindi tayo (lol)... mga taong may vision at may plano sa kanilang propesyon... mga taong naghahangad to ‘make a difference’... mga magagandang hangarin... nagtatagumpay...


UK-based students vent anger at PH agency (http://hello-philippines.com/term/europe/uk-based-students-vent-anger-at-ph-agency.html)
I quote ko lang ito, based sa sinabi ng isang estudyante, “Napakalaking gamble noon sa amin na ang laki-laki ng binayad namin tapos wala naman (trabaho). Akala namin pagdating dito okay. Yun pala, yung mga sinabi niyang trabaho, di naman totoo,” said John, the designated spokesperson of the students. --------- Sorry po kuya student visa ata ang inaplayan nyo e hindi naman working visa at ikaw naman Agency minsan, para lang kumita at maraming makuhang pera e nag dadagdag kayo ng konting salita to win them... Minsan hirap spelingin talaga ang mga pinoy hehe... When I attended the Job Fair sa MOA complex meron dong agency na working abroad thru student visa na minsan nga pangako un ng agency na makakapag trabaho while studying... pwes, ang totoo po walang ganon... marami po ditong mga pinoy akong nakakausap at hirap talaga silang makahanap ng work dahil nga pinunta nila rito ay mag-aral at HINDI MAGHANAP NG TRABAHO... sana working visa na lang hinanap nyo at hindi pa kayo mapapasama... un lang walang nakahandang working visa sa basta-basta na lang papasok dito... working professional ang kailangan nila at dadaan ka sa butas ng karayom bago makapasok... sabi dito: Tier 4 visas are likewise not intended as a route to residency in the UK or British naturalization but it would provide qualified applicants the possibility of transferring to a work permit under Tier 2. “The fastest route available for Filipino health care workers, dentists, pharmacists, HRM graduates who want to reach the UK is through the Tier 4 student visa category, which requires the educational institution to accept the student,” said Geslani. (http://hello-philippines.com/articles/lifestyle-features/uk-requirements-for-filipino-job-applicants.html) pakibasa ung buong article sa blog na ito.

Sana lang ung school na tatanggap sa inyo ay bigating school, at maging maganda ang transcript of records mo at magiging daan para makakuha ka ng work here, tulad na lang ng nabasa kong news na isang pinoy ang nakapag work dito dahil maganda ang kanyang records sa school... hmmm mayaman po ung taong un at talagang na finance ng kanyang pamilya para makapag –aral dito at hindi tulad ng iba na ang intension ay makapunta dito at mag work na magiging daan para maging illegal aliens...

Hays, ang buhay nga naman!...

No comments:

Post a Comment