created on 15-Oct-2011 a.m.
Nagsimula na namang mag build-up ang alon at muli na namang maghihintay hanggang sa ito’y humupa at muling magtrabaho ang crew para mailagak sa seabed ang umbilicals... ito ang panahon na kung saan sa panig ng project personnel ay walang masyadong ginagawa... ang mahirap pa nito wala ring internet communication, hays nakakabagot, nakakapagod din ang walang ginagawa, natapos ko na ang daily project report, na update ko na ang Monthly Timesheet, na draft ko na ang minutes of meeting, nag check na ko ng mga incoming emails, hindi naman ako makagawa ng daily news dahil nga wala akong mapagkukunan at walang internet connection, nakatingin sa TV monitor ng galaw ng ROV, siguro nga mag daydreaming na lang ako, thinking what should I become after 5 years from now... what other plans I need to accomplish and where I get the provisions for my future dreams... ganon naman talaga tayo pag nag-iisa pumapasok sa isip natin ang mga bagay bagay patungkol sa ating buhay... ano bang gusto nating gawin, ano bang dapat nating marating at abutin? ... at habang sa pagninilay-nilay mo ay may darating na istorbo haha bigla ka na lang ma black-out at taranta kung ano man ang hinahanap nila... may 20 minuto pa pala ako bago pumanhik para sa morning meeting at syempre gawin ko na ang opportunity para tapusin ang isang artikulong ito... paghihintay... paghihintay sa trabahong gagawin... marami na rin tayong naranasang paghihihintay... ang iba naghihintay sa kapalarang darating... bigla akong napatingin sa labas dahil sa sinag ng araw... now pa lang nagliliwanag dito sa gitna ng north sea at nakita ko na rin ang magandang araw na aking hinihintay... ang pagliliwanag ng kapaligiran... natapos na kasi ang summer time dito sa UK at ngayon ay matagal na ring makakatulog ang mga manok dahil sa haba ng dilim unlike sa summertime na kung saan ay 3 oras lang ang dilim... kakagat ang dilim bago maghatinggabi at muling liliwanag ng alas-tres ng umaga kaya laging puyat ang mga manok... so ngayon nakakabawi na siguro sila hehe... panhik muna ko saglit sa taas at kailangan kong gumawa ng minutes of meeting at magpapirma sa mga amo para sa Daily Project Report...
Saglit lang naman at natapos din ang meeting informing for the project updates and weather and some hazobs and orcas. After that I need to email the MOM and DPR then free na naman ako... siguro nga dahil sa hindi ganon kabigat ang trabaho ko kaya pakiramdam ko lagi akong busog... hindi ako pinagpapawisan dito and if I’m not using the gym malamang sakit ang aabutin ko, I need to have some exercise kaya minsan sinasabayan ko na lang ung exercise sa morning TV show and doing 30 push ups to make me alive and alert and enthusiastic! Minsan kainggit din ang other pinoys who work as Steward, AB Crane Operators kasi nga marami silang work at hindi nauubusan. Sa mga steward they need to change the cabins pillows and towel, cleaning the toilet and rooms. After that they need to help in the galley to prepare foods for the meals, magtapon ng basura at maglinis ng mga gamit... ayun kaya pinagpapawisan sila... minsan nakakainggit but then I’m so blessed compare to my work as Project Admin. Ang mga AB’s and motorman busy sila sa deck, cleaning and other works na inuutos ng Captain and Chief Officer kaya lagi sila sa labas exposed sa lamig at ulan at init... that’s the reason why I’m always thankful kay Lord! Ang pasasalamat ko ay gayon na lamang dahil nga sa nature ng work ko dito. Minsan nagagalit ang mga amo ko pag lumalabas ako at tumutulong para bang nakapako lang ako sa apat na sulok ng room ko attending for the calls and other needs ng Construction Manager and Project engineer e sometimes wala naman silang pinagagawa kaya naman I always ask them if they need coffee or tea... ang galing ano po? That was a privilege God has given me. Paghihintay... paghihintay sa pagpapala na ibibigay nya sa atin... so just wait... wait for the Lord’s timing...
No comments:
Post a Comment