Thursday, 27 October 2011

HIRAP NG MARINO

By Nepthali Paraiso

Sa aming paglalayag sa malayong dagat
Parang nangawala mga tao sa barko
Dahil ba sa lakas, ng along sumasambulat
Sa aming barko, ang mga tao’y nahihilo

Lumabas ng Scotland, panaho’y ‘di kay inam
At sa pagdating ng lugar, agad masimulan
Kaya naman lahat kami’y, animo’y nagkasakit
Nagsusuka, nahihilo, nagtulog sa kanya kanyang kwarto

Kaya’t inyong mapapapansin sa messhall namin
Sobrang daming pagkain, kakonti lang ng kumain
Garlic bread at spaghetti na aking kinain
Sa kinahapunan ay isinuka rin

Buti pa ang iba’y may panahong umidlip
Di ko naman maiwanan, itong opisinang pinagbilinan
Maging ang aking kwarto, ngayo’y may kasama na ako
Siyang natutulog at panggabi sa trabaho

Hindi na ko kumain, ng gabing iyon
Di mapalagay, hirap ang katawan
Kailangan ng lakas, kailangang lumaban
Kumain ng biscuit, konting ubas at tubig

Kaya’t ako’y dumalangin, kami’y pagpalain
Gabay at kalakasan, sa kinabukasan ay taglay
Panahon ay maging maayos, maging ang karagatan
Matapos ang proyekto ng walang peligro

1 comment:

  1. Konting tiis na lang, tapos na ang project ninyo. We hope your next project will be on milder marine-friendly seas :)
    PSE, congratulations, you've posted over a hundred blogs!

    ReplyDelete