Sa mga panahon ng aking pagtatrabaho sa bansang tulad ng Saudi, Qatar at maging sa UK, hindi pa rin nawawala sa ating lahi ang pagiging ma-inggitin. I will say this is one of disease that will heal you or break you. That will depend on how you handle the situation.
Merriam Webster defined envy as desire to have a quality, possession, or other attribute belonging to (someone else); Envy (also called invidiousness) may be defined as an emotion that "occurs when a person lacks another's (perceived) superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it."
Sa pagdalaw sa isang bagong kaibigan, si Gina, may asawa at 2 anak, taga Quezon City, ang kanyang kabiyak ay nagtatrabaho din sa ibang bansa ang aking minsan ay nakapanayam. Sa kanilang pagsisimula sa buhay may asawa, naranasan nya ang hirap sa pag-uumpisa na nakapisan sa bahay ng kanyang biyenan. Nasabi nya ang salitang “inggit” during our conversation. Inggit sa kaibigan, ang naging reason nya to move on, to pursue her desire to have their own house, though hindi sapat ang malaking kita ng kanyang asawa ay napapapunta lang sa pagkain, tuition fee at mga gastusin sa bahay at buti na lang hindi sila nangungupahan, though at first naisip nilang bumukod sa magulang ng kanyang asawa. Natuwa na rin naman sya dahil kahit papaano ay may lolo at lola ang mga bata na tumitingin kung wala sya sa bahay. Opportunity comes and she asked her husband about it. By the way, Gina is a licensed nurse at tumigil sa paghahanapbuhay ng ipinagbuntis nya ang panganay nilang anak na mag ta-tatlong taon na sa August. Her second daughter is one year old when she grabbed the opportunity. Maybe, because of the high cost of living nowadays which she reasoned out, pumayag na rin ang kanyang asawa. Maganda nga naman ang magtulong sila at makaipon para sa kinabukasan ng kanilang anak at syempre ang pangarap nyang magkaroon sila ng sariling bahay. Sa ngayon ay may malaki-laki na silang naipon upang makapag sarili at naisip na mag negosyo sa kanilang pag-uwi, ngunit mas maganda at malaki ang sweldo sa kumpanyang kanyang pinapasukan dito sa London. Naisip nya na kung sya muna kaya ang maghanap buhay while her husband ang syang titingin sa kanilang mga anak.
Si Mark, matagal na ring nag-aabroad ay minsan nagkwento na rin ngunit maraming tsismis ang aking nasagap sa kanyang mga kasamahan at minsan na ring nagiging tampulan ng biruan. Hindi naman ako tsismoso hehe pero malamang o sa hindi ay ang pagiging ma-inggitin din ang naging dahilan kung bakit magpa-hanggang ngayon ay patuloy pa silang nangungupahan at hindi sumasapat ang kita upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Mahilig din naman si Mark sa mga bagong gadgets kasi nga nakakahiya naman kung wala syang gamit tulad ng kanyang mga kasamahan na merong laptop, mp3, new shoes (imported kasi galing dito) at ang latest ngayon ay ang tablets. Hindi ko na hinalungkat pa kung ilan ang kanyang mga anak at ang trabaho ng kanyang misis. Nakakatuwa naman talaga para sa aming mga Pilipino ang mamili dito sa ibang bansa na talagang mura at syempre imported pa unlike sa Pilipinas na mahal na nga e madaling masira pa. Kasi nga naman ang gobyerno ay hindi mahigpit sa pag-aangkat ng mga pumapasok na items. Madaling masuhulan ng isang kumpanya para mailabas lamang ang mga items na iyon. Ang mga DVD sa atin nagkalat sa lansangan, sa Baclaran, sa Divisoria, sa Quiapo at kung saan saang bangketa hindi tulad dito e tiyak sa bilibid ka mapapapunta. Teka muna, next time ko na lang ihahambing ang Pilipinas at United Kingdom, balik muna tayo sa kwento ko kay Mark. Hindi nga pala ito ang tunay nyang pangalan, gawa gawa ko lang yan para naman hindi magalit sa akin at maging kung taga saan sya ay hindi ko na pinaki-alaman. Ayaw ko na rin naman ng away, ang sa akin lang ay kapulutan ng aral ang mga naisusulat ko at mga nagawang tula at articles. Wag nyo namang tularang maging tsismoso, naisip ko rin naman minsan sa TV/Radio station o maging sa newspaper ako magtrabaho. Balik na nga ulit.. Ayun, isa rin ako don sa tuwang tuwa lalo na pag sale, sakit ko na ata ang mag shopping at bilhin ang magustuhan lalo na kung mura at imported. Minsan ang mga tropa rin ang nagsasabi sa akin kung saan may sale hahaha at si Mark tulad ko bumibili rin ng mga bagong gadgets, ang kaibahan lang ay mas mababa ang kanilang sahod. Ang kanyang misis tulad nya rin ay laging may bitbit na bagong gamit pag-nag shopping sila at natutuwa rin naman ang kanyang mga anak sa bagong paglilibangan. Kaya naman pagdating ng mga billing ng Meralco, renta ng bahay, bayad sa tubig pati na rin ang tuition fee ng mga anak ay di mapakali kung saan kukuha ng pambayad at kailangang mangutang muna hanggat naghihintay ng sweldo ng kanyang asawa.
Inggit maraming sinira... maraming nagtagumpay... isang bagay na kung hindi ka aware ay malamang talo ka. Inggit na rin ang nagbunsod sa isang tao upang magpursige sa kanyang buhay. Hirap ang naging puhunan, inggit ang naging paraan upang makamtan ang buhay na pinapangarap. Kailangang magtapos ng kanyang pag-aaral para sa kinabukasan ay maging daan upang maging matagumpay sa larangan na kanyang pinasukan. Pangarap ay naabot, trabahong nagbigay ng kaligayahan, mga bansang napuntahan, mga kaibigang nakilala, mga karanasang hindi mapapantayan ng dahil sa inggit ay nagtagumpay...
Nice post my dear friend. It's about time you have a blog. you have the gift in touching lives, I can attest to that. Keep it up!
ReplyDeleteHere is an article that you'll probably like:
I'll Go Home and Shall Bring Change (A Dare for OFWs)
thanks Ka Ronnie! Seems your such a happy man now unlike before. God bless you and give my regards sa mga tropa.
ReplyDelete