Monday 25 July 2011

PARA SA AKING KAARAWAN... mula sa Qatar

isinulat ng aking mentor na si Francis "Kiko" Morilao na taga Bulacan and here it goes:

Maikling panahong pinagsamahan
walang maalalang sama ng kalooban
malalim na turing ng barkadahan
tunay na hindi makakalimutan

ilang taon na ang nagdaan
ngunit parang kailan lang ang handaan
hanggang umaga ang kantahan
kabi-kabila ang kwentuhan

ngayon sa iyong kaarawan
kahit na hindi kami kapiling sa handaan
hindi namin pwedeng kalimutan
ang araw ng iyong pagsilang

Biyaya ng Diyos ay patuloy na nariyan
Hiling nami'y iyong kalusugan'y ingatan
balang araw'y aming inaasam
ang magkitang muli at magpiktuyran
kuya nep hapi birthday :)

1 comment: