Sunday 24 July 2011

SA AKING KAARAWAN

Sa karagdagang taon ng aking buhay
Dios kita'y muling pasasalamatan
Kalakasang taglay, biyayang nakamtan
Patuloy kitang papupurihan

Sa mga pangyayaring aking naranasan
Mga pagsubaybay Mo'ng laging nakalaan
'Di mo ko pinabayaan, ni hindi iniwanan
Pag-iingat sa akin lagi mong laan

Sa aking pagkadapa,kasalanang nagawa
Pagpapatawad mo tunay na dakila
Pangunguna kasi na akala ko'y tama
Kaya't ang pagkakamali dapat na itama

Di man nagtagumpay sa ibang aspeto ng buhay
Ngunit sa trabaho'y biyaya at tagumpay
Mga pangako mong aking pinagbubulay-bulay
Taos pusong pasasalamat, Dakila ka't tapat

Kaya't aking laan habang ako'y nabubuhay
Papuri at pagsamba, sa Dios aking Ama
Pagbabalik ng nararapat at tunay na maging tapat
Sa lahat ng tinatangkilik at pagpapalang nakamit

Salamat, salamat, sa lahat-lahat ng natanggap
Patuloy mong dagdagan mga taon sa aking buhay
Maging pagpapala, sa lahat ng mga biyaya
Aking hiling, karunungan, kalakasan at kasaganaan

2 comments:

  1. Maligayang Kaarawan sa lahat ng Overseas Pinoy Workers na nagdidiwang ng kanilang kaarawan ngayon at bukas (including Gene's younger brother Nep!). May God pour his abundant blessings on your special day.

    Psalm 118:1
    "Give thanks to the Lord for he is good, his love endures forever"

    ReplyDelete