Wednesday 20 July 2011

UK UK made in Great Britain





(United Kingdom)by Nep Paraiso

Dito sa UK maraming Sale
Akala mo tuloy ukay ukay
Kabi-kabila iyong makikita
Napakaraming paninda

Imported ang tinintinda nila
Signature naman talaga
Di mo tuloy maiwasan
Tuloy mapapabili ka

Sa tulad kong mahilig
Magshopping sa plaza
Maakit ka talaga
Mababa na at maganda

Itong brand na Calvin Klein
Ang favourite kong bilhin
Kaya naman nakakuha
Boxer brief na maganda
Sa Gap ka pumunta
Pag sale sila
Sobrang baba ang presyo
Kaskas ako kaskas dito

Mahirap para sa akin
Na tulad kong impulse buyer
Pag may nagustuhan
Pilit kong bibilhan
Marami ng napamili
Mabigat tuloy ang bagahe
Ngunit alam kong magugustuhan
Ng aking mga reregaluhan

No comments:

Post a Comment